Pages - Menu

Thursday, October 18, 2012

Muli (xx/1000 insecurities and fear)

Umiiral na naman self-pity ko. Nakaisip na naman ako ng dahilan kung bakit hindi ako makakahanp ng pag-ibig na matino. Unang-una wala pa akong nakakasalamuha na lalaki na nagbigay ng tamang pagtingin sa akin. Feeling ko tingin lagi nila sa akin isang joke. Una, dahil lagi ko ring napupuna ang mga kamalian ko. Ayos lang sakin yung mga biruan, pero di nila alam yung hangganan ko. Minsan kasi ako din ang bumibigay. Para bang narerealize ko bigla, hindi na to tama. Parang sobra na. Sarili ko nga ginagawa kong tampulan ng mga biruan, paano pa kaya ako seseryosohin ng mga lalaki diba. O kahit hindi ng mga lalaki, ng mga kaibigan ko. Kaya naman,. iniisip ko kung mag-aasawa ako. Masasaktan lang ako. Feeling nila super woman ako na kaya konmg sakyan lahat ng bagay. :( na ok lang gawin sakin yung mga abgay kasi hindi ko kayang manindigan outloud. Hanggang sa loob lang, pero hindi mailabas.

Hindi ko alam kung produkto lang ito ng takot,m ng mga insecurities. Pero hindi ko lang maalis s aisip ko na mas ok poa na magisa ka na lang kasi maging miserable at masaktan ka habang may kinakasama ka. Siguro nga swertihan lang. Kanya-kanya lang yan. Pero bahala na ang taas.  May purpose lahat ng bagay. Pero sana kung ano man ibibigay niya sakin,. Hindi masakit at pagsisisihan sa huli. </3

No comments:

Post a Comment