Iniisip ko kung sa ka bang Oportunista o Adventurer. Minsan kasi naiiba ang konteksto ng mga salita gamit ang mga kategorya o depinisiyon na hindi naman dapat isinasama at sadyang naikategoryang social construct lamang.
Iniisip ko kung Opurtunista o Adventurer ka. Nasa hitsura ba para masabi kung alin ka sa dalawa? Sa katunayan, nagagamit na ang pisikal na anyo sa mga bagay bilang bayatan ung maaari mong gawin ang mga bagay. Hindi niyo ba napapansin? Sa mga establishments, kapag pipili kayo ng make-up, pag hindi kagandahan o hindi kayaman nag pisikal na hitsura ng customer, hindi gaanong binibigyan ng pansin ng sales lady ang customer. Inaakala nila na hindi nila ito kayang bilhin. Ngunit kung mukhang mayaman na ito (sa kutis, sa pananamit, sa buhok, sa pagsalita) biglang magiging maamo ang ilang mga sales lady sa customer.
Iniisip ko kung Oportunista o Adventurer. Sa mga pagkakataong nakagawa ng mali ang isang tao. May mga perspektibong hindi kayang gawin ng isang mabango, guwapo/maganda, matinong tao ang mga masasamang gawain. Kung papipiliin ka ba sa dalawang tao, saan ka matatakot? Sa lalaking mabango, maayos ang pananamit, may hitsura o sa lalaking, nakasando/shorts lang, hindi maayos ang buhok, hindi nakaligo ng 3 araw o mas higit pa? Hindi niyo alam mas makasalanan pala ang lalaking mas pinili niyo. (Tiyak mas pinili niyo ang mabango.) Laging mas pinagbibintangan, kinukutya ang mga taong nasa hindi mabuti at magandang side ng mundo. Hindi ba't nagiging kakatawa na lang ito sa atin? Sa emdia pa lamang, kitang-kita ito. Hinding-hindi maitatanggi. Sa Gandang Gabi Vice, kahit na ang layunin ng palabs ay magpatawa. Ngunit ang pinaghuhugutan ng kakatwanan ay ang mga histura ng mga taong hindi naayon sa mata nng nakararami. Pag pangit ka, hindi ka pwedeng magsuot ng maayos na damit. Pag pangit ka, ipapamukha pa sayo na hindi ka bahagi ng istandard ng lipunan. Face the truth? Siguro nga.
Read More