Hi! I made this entry last week on one of my blogs (thoughts.com) and I find it really emotional (LOL) and interesting. And so, I've decided to post it here for the sake of showing myself, my idea, my concurrent emotion. :p
Self-pity. Siguro nga hindi magandang maging ugali ang ganito ngayon. O kahit kailan. Pero ano pa nga bang mararamdaman mo kung pakiramdam mo pinagkakaisahan ka ng mundo ngayon. Siguro hindi ganoon kalala. Pasalamat na kung gayon. Pero sa aspeto ng buhay kong ito. Nagkakaisa nga mundo. O hindi? O sadyang ako lang ang may kakulangan. Ewan.
Dumaan ako sa kung saan ako nag-aral ng highschool. Dalawang batchmate ko (Batch '06) ang nakadisplay ang mga mukha sa labas ng building. Cum laude ng Mechanical Engineering. Top 8 sa sa Board Exam ng Civil Engineering. Sa katunayan, ang galing nila. O sige, sa katunayan, hindi ako makapaniwala. Pero siguro nagkaisa ang mundo para sa kanila (sa positibong paraan). At sadyang magaling sila sa napili nilang larangan. Buti pa sila. Ako, hindi ko alam hanggang ngayon ukng ano ba itong tinahak ko at kung ano ba dapat ang tinahak ko, kaya ngayon litong-lito sa tatahakin kong landas. Sabihian na natin alam koa ng gusto ko. Tulad na lang sa mga nasabi ko sa Google Plus noong mga panahon na bigo ako. Alam kong may pagkukulang ako. Pagkukulang ko ba o dahil hindi ako sinanay para sa ganoong larangan? O hindi kaya, may kulang talaga sa akin na hindi nahubog kaya't kahit anong kagutuhan ko, hindi ko talaga maipipilit. Ang swerte ko na. Andoon na ako. Pero napakawalan pa. Hindi ko alam kung tadhana ba ang may pakana o ako? May kulang ako. Oo. Pero binigay ko ang lahat ko. At hindi na ako nabigyan pa ng pagkakataon para sa gusto ko, para sa pangarap ko. Lagi na lang akong bigo sa career. Lagi na lang akong talo. Lagi na lang akong may pagkukulang. Lagi na lang may mali. Andun na. Pero nawala pang lahat.
Pagkakita ko sa mga mukha ng mga ka-batch ko, naramdaman ko ang pagkatalo. Ewan. Hindi naman ako talong-talo. Pero, cum laude rin ako. Pero hindi ako nabigyan ng ganon. Naalala ko ang is akong kaibigan mula s amga insesitibo kong mga hanay ng kaibigan. Bakit nga ba ako cum laude, pero wala ako sa mga hanay ng magagaling sa DPS. Cum Laude nga ako, may honors tulad ng ilang mga kaibigan ko. Pero bakit wala ako sa larangan na pangarap ko tulad nila? Nasa larangan ako na hindi alam ng ga madla, na binababa ng mga madla. Iniisip ko na lang, ok lang. Basta sa ngayon nabibigay ko s asarili ang mga luho ko. Wala silang pakialam. Mga putang ina nila. Putang ina kasi ang sistema. Putang ina ang istandards ng mga tao na gawa ng kapatalismong punyeta. Putang ina. Putang ina.
Kasalanan ko ba? O putang ina lang talaga ang lahat? Ewan. Ewan. Putang ina, ginagawa akong baliw nang hindi masalat na sistema ng kapitalista. Bakit kailangan mong sumunod sa itinakdang mga katangian ng mga putanginang kapitalista? Hindi ba pwedeng magpakatao na lang? Ano pang naging tao tayo kung hindi tayo magpapakatao?
Pero baka nga may pagkukulang ako sa sarili. Pwede namang isabay ang pagiging makatao at pagpapakatao habang nsumusunod sa bulok na sistema, habang nagtatrabaho sa pangarap mong larangan. Tang-ina. Kasalan ko 'to. Hindi lang talaga malakas nag loob ko. Kulang talaga ako sa mga skills na kailangan para sa gusto kong larangan. Yun lang ang napatunayan ko, dapat nasanay na ako sa ganoong larangan para nakapasok ako. Pero hindi kami mayaman, hindi ako laki sa isang banda ng buhay. Hirap na makialam sa hidni mo alam na pamumuhay at kaalaman. Hindi pwedeng isabay ang pagpapanggap sa gusto mong gawin na larangan. Ahhh. Ang hirap talaga. Leche.
Andami nang naganap na drama. At ang sulat na ito ay isa lamang sa mga naisip, naisulat, at nabanggit na dramang resulta ng punyetang sistema
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Discover and Uncover: Close Encounters of the Que Kind. Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment