Mababaw. Sabaw. Dahil mas masarap ang hilaw. Parang ako.
This is the Que kind.

Tuesday, September 10, 2013

HEARTBREAK

OK. I JUST HAD A MAJOR HEARTBREAK.

Nililihis ko pa din ang mga pangyayari. Umaasa na hindi. Hindi pwede. Hindi yun ang mangyayari at nangyayari. Pero alam ng utak ko na wala nang pag-asa. Sinasabi ng utak ko, "Wag ka nang umasa". Pero iba ang sinsabi ng puso ko. Gusto pa din ng puso ko. Umaasa pa din na kahit paano may nararamdaman ang puso mo para sakin. Pero hindi nakikita ng puso ang tunay na nangyayari. Hanggang pandama lang siya. Pandama walang mata. Ang utak ang may mata. Utak na nagiging lohikal at binabasa at relatibo sa pagkakaugnay ng mga pangayayri sa paligid.

Ano ang magagawa ko? Sabi ng utak ko na nakakakita, "Lumayo ka na. Wala ka nang espasyo diyan." Sabi ng puso ko, "Baka may chance pa. Mag-abang ka lang. Maghintay at baka umikot at iikot pala ang mundo." Pero iisa alnga ng nararamadaman at naiisip ko sa pandama ko ngayon. MASAKIT. SAKIT. MABIGAT. BIGAT. Doon hindi nagtatalo ang isip at utak ko. Doon nagkakasundo ang nagkakagulo kong isip at puso.

Pero ano ang gagawin ko?

Be inspired. Maging maganda. Ituloy ang buhay. Lumayo. At keberlalau. Darating din yan.

^^yang nasa taas ang pinakamabuti kong gawin. Magwalang-bahala. Mawalan ng pakialam.

Pero ang puso ko ay nanaghoy. Nananaghoy sa katotohanan.  Labag sa laoob na maging masaya. Bigo. Paano ka mawawalan ng pakialam kung ang puso mo ay tunay na umiiyak. Paano ka mawawalang-bahala kung ang puso mo ay nasaktan. E kung ang bata ngang inosente kakaunting sakit lang umiiyak. Pero ang puso ko ay hindi na bata. Tulad ng isang nornmal na tao, natuto na ito na at kailangan lang na ituloy ang buhay. Hindi kawalan ang sakit at pighati ng pusong umasa, nabigo at nasaktan. Hintay lang darating din yan.
Read More
Discover and Uncover: Close Encounters of the Que Kind. Powered by Blogger.

© Discover and Uncover: Close Encounters
of the Que Kind
, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena