Naisip ko lang nung isang araw, habang nasa biyahe papuntang Baguio, na ang mga naisusulat ko sa blog na ito ay iilan lamang, iilan, mumunti s alibo-libong mga ideya, pandama, pagpapahiwatig na nais kung isulat sa blog. Iyon ay dahil lagi kong nakakalimutan ang naisip kong dapat isulat dahil maganda iyon, totoo iyon, at may sense iyon para sa akin. At sa dami ng aking iniisip na isulit, maari na siguro akong makapagproduce ng isnag libro., isang libro na puno ng tagpi-tagping ideya sa pang-araw-araw ko na mahalaga at tiyak na makakaugnay sa sinomang magbabasa. :)
Random thoughts:
Huwag kang magpapasa ng mga frustrations mo s aibang tao. May sarili din akong frustrations. Ang pagpasa ng mga frustrations sa ibang tao, ay nakakaapekto nang masama sa ibnag tao. Ang salita, na binubuo lamang ng mga letra ay nakakasakit at nakakaapekto lalo na kung bumubuo na ng pangungusap at nagbibigay ng kahuluganna na nagpapahiwatig ng kamalian at kapintasan.
Hindi ka perpekto. Ayos lang ang isa sa isang araw, o kahit hanggang tatlo na magsabi sa kapwa. Ngunit kung magsasalita ka, tingnan mo muna ang sarili mo. at tingnan mo muna kung tama ba ang mga sinabi mo. kung wala kang damdamin,m mayroon ang iba. hindi sila ikaw, oo alam mo iyon, pero paano kung ikaw ang nasa mga paa nila. anong mararamdaman mo?
Part II:
Bigla ko lang naisip kung kailan ako ikakasal. Kakanood ko lang ng kasal ng isang kapamilya. Ang sarap ng pakiramdam na ang dalawang kinakasal ay mukhang masaya at perpekto para sa isa't-isa. Sabi ng pari nung misa, mas maganda daw na ang asawa mo ay isang tunay na kaibigan, mas madlaing magtulungan for better or for worst. Ayokong mag-isa. Iyon ang napagtanto ko. Pero mahirap yan gawin kung wala namang naghahanap sa iyo. Soulmate ba. Hehe. Alam ko masama magsabi nito, kasi m,insna opposites ang dumarating. Pero ang hiling ko lang, dumating siya na tamang tao para sa akin sa tamang panahon. Yung tao na tatanggapin ako sa kung sino at ano ako. Yung hindi ako sasaktan at iiwan tulad ng trending sa mga relasyon ngayon. :( Tested na iyon na mahina ako pagdating sa love. Marupok, madaling masaktan. Pero grabeeeeee, huhuhuhu. Alam kong part din yon, pero pwedeng yung hindi grabeng masakit? Hay. Lord, ikaw na bahala sa akin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Discover and Uncover: Close Encounters of the Que Kind. Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment