Mababaw. Sabaw. Dahil mas masarap ang hilaw. Parang ako.
This is the Que kind.

Tuesday, June 4, 2013

Confession

Hi friend,

May gusto akong sabihin sayo. Gusto ata kita. Di ko alam kung paano at saan nagsimula. Pero gusto ko lang malaman mo. Kasi hindi ko na macontain yung pakiramdam. Ayos lang kahit wala kang sagot. Ayos lang kahit wala kang pakiramdam. Gusto ko lang talagang sabihin at bigla kong naramdaman na kailangan kong sabihin. Sana walang magbago. Sana di awkward. Sana ganoon pa din. Sana friends pa din tayo. Gusto ko ding malaman mo na pinagdasal ko 'to. Ipinagdasal ko na sana kung wala 'tong patutunguhan, tigilan na ang kalokohan at kabaliwang ito lalo na sa part ko. Ako ang nagbibigay ng kahulugan e.  Kaya kung wala, please lang. Wag ka nang gumawa pa ng dahilan para maging mas nakakaloka yung emosyon. Para di masakit.. Or kung may gagawin ka man otherwise at ang mas naiisip ko dito ay 'yung masakit na part. Bahala ka. Ang mahalaga nasabi ko sayo 'to.


Sana nga.

XOXO

0 comments:

Post a Comment

Discover and Uncover: Close Encounters of the Que Kind. Powered by Blogger.

© Discover and Uncover: Close Encounters
of the Que Kind
, AllRightsReserved.

Designed by ScreenWritersArena