Nag-aabang ako sa labasan ng jeep o FX na papuntang SM North. Saktong sa pag-aabang, nasulyapan ko ang isang babae at lalaki na mukhang couple sa kahit sino man sugurong paningin. Magkaakbay sila. Nagtatapikan ng likod. Nagpapahayag na sila ay nagpapahayag na kanilang pagiging bukas sa kanilang nararamdaman. Sila'y umiibig.
Lagi akong nakakapansin ng mga ganitong senaryo. Habang tumatakbo sa Acad Oval. Habang naglalakad sa mall. Habang naglalakad sa tulay na lutang ang isip at sa isang iglap, mapapaisip ako, ay! may mga umiibig!
Nung simula'y hindi ko itinatanggi. Nagkakaroon ang angst ang loob ko. At ngayon, masasabi kong curiousity ang dama ko ngayon. Paano nga ba ang pakiramdam ng umiibig?
Ang may kahawak ng kamay. Ang pagbagsak ng ulo sa balikat ng isa. Malamang, ang larawang mga nabanggit ay dulot ng TV, ng media, ng pop culture. Alam ko sa loob-loob ko na nag pag-ibig ay hindi lamang puro langit. Walang nabubuhay sa pag-ibig. Walang nakakakain sa pag-ibig. Walang . Ang alam ko lang, maaaring maging inspirasyon ang pag-ibig. Inspirasyon para magsikap, para mabuhay, para manatili, para maging masaya, para maging kuntento sa buhay. Inspirasyon lamang. At walang nabubuhay sa pag-ibig lamang. Ngunit paano nga ba ang umiibig?
Gusto ko rin maramdama kung paano maging inspirasyon ang pagibig. Hindi nga ako mabubuhay sa pag-ibig lamang. Hindi ako makakain. Ngunit ano ang pakiramdam ng kahit saglit na pag-ibig?
Nagmamahal,
Isang Naghihintay ng Pag-ibig
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Discover and Uncover: Close Encounters of the Que Kind. Powered by Blogger.
0 comments:
Post a Comment